Heaven Peralejo, may payo sa kabataan

Nagbigay ng payo ang aktres na si Heaven Peralejo sa mga kabataang nakakaranas ng acne breakouts at sa kanyang IG, ibinahagi niya ang kanyang mga larawan kung saan nagdaan siya sa pagkakaroon ng breakout kalakip ng kwento na kahit siya na isang artista ay nakaranas rin ng ganitong phase sa kanyang buhay.

“Just a daily reminder that having acne is nothing to be ashamed of!” saad ni Heaven. “I’ve struggled battling with acne for so many years. I had a hard time accepting my skin because it just got worse to the point that it also affects my body weight.”

Dagdag pa ng dalaga, takot na takot daw siya noon na mahusgahan ng mga tao lalo na sa industriyang kinabibilangan niya, pero nang lumaon ay narealize niya na ang problema ay wala sa kanya kundi sa mga taong bumabatikos at pumupuna sa kanya.

“I am aware of my flaws and I embrace them. Never let anyone make you feel bad about yourself because of normal things! Love yourself and take care of yourself,” sabi ng dalaga.

Dagdag pa niya, lahat naman raw ay dumadaan sa pagkakaroon ng breakouts kaya unreasonable na iparamdam sa tao ang isang bagay lalo na kung isa na ito sa kanilang insecurities.

“Believe me, I’ve experienced worse but I never had the confidence to accept it not until now. I don’t even know why I have to explain myself but it’s just so ridiculous that even the size of my acne is being bashed by some,” sabi ni Heaven.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *