Herlene Budol, nag-transform bilang Darna

Sa selebrasyon ng kanyang 23rd birthday, nagpasabog ang komedyana at beauty queen na si Herlene Budol nang mag-pictorial siya suot ang costume ng iconic Pinay superhero na si Darna.

Ayon sa komedyana, inspired daw ito sa ginamit ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera nang gumanap ito bilang Darna sa primetime series ng GMA 7 noong 2009.

Nag-celebrate ng kanyang kaarawan si Herlene nitong nagdaang August 23, at isa nga sa kanyang birthday wish ay ang makapagsuot ng Darna costume na talagang kinarir niya na matupad kahit sa pictorial lang.

“Ding, ang korona! Suot ko ang costume ni Darna hango sa idolo kong si Marian Rivera ng GMA Network na naging Darna noon,” ang bahagi ng caption ni Herlene sa kanyang IG post.

Sabi pa niya, 10 years old pa lamang siya nang gumanap na Darna si Marian.

“Natupad na din ang pangarap kong magsuot ng Darna costume sa aking kaarawan. At sa mga pumunta kagabi, na lugod kong kinatutuwa ang mga pasabog at supresa hatid ninyo sa akin,” sabi ni Herlene.

Dahil dito, marami ang nag-suggest kay Nicole na kapag natuloy ang pagsabak niya sa international beauty pageant, pwede niyang gamiting national costume ang suot ni Darna.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *