Kelan nagsimula ang cash aid sa indigent students?

Well, humingi na po ng paumanhin si Social Welfare Secretary Erwin Tulfo sa mga kinauukulan dahil sa kaguluhang naganap sa unang Sabado ng pamimigay ng cash aid para sa ma indigent students.

Dangan kasi, medyo nagkaroon ng stampede at kaguluhan dahil sa dami ng mga taong dumagsa sa DSWD central and regional offices.

“I am sorry. I apologize po kung kayo ay hindi nabigyan ng cash ayuda,” saad ni Tulfo sa isang press briefing.

Humingi ng pang-intindi ang butihing DSWD secretary dahil sa naganap na kaguluhan at inako niyanglahat ang responsibilidad para dito. “I hope you understand po kasi binuksan natin ito sa mahihirap. I hope you would understand and give DSWD a chance … We are working very hard para po sa inyo, para po pantay-pantay,” ayon kay Tulfo.

Sambit pa nito na ang DSWD ang ginawng tagapangasiwa ng nabanggit na pamamahagi ng aid distribution para hindi na maulit ang umano ay selective distribution so as not to repeat the alleged selective distribution of the Social Amelioration Program (SAP) sa level ng barangay.

“Dati po kasi ayoko pong mangyari yung nangyari sa SAP na pinipili lang sabi ho ninyo. Reporter po ako noon na nakarating sa amin na pinipili, ayoko pong mamili,” saad ni Tulfo na dating journalist.

Sidelights muna tayo. Congratulations pala sa aking kumpadre na si USEC JERICO JAVIER, operations man ng DSWD, sa kanyang appointment. Isang batikang reporter din at tiyak po natin na siya ay maglilingkod dahil alam niya sa tagal niyang naging mamamahayag ang nararamdaman ng mga salat sa buhay. Good luck brad.

Siyempre, ang ating kaibigan na si USEC MARLON PURIFICACION, USEC for special concerns, at ASEC. BOBBY RICOHERMOSO.

Ayan, ilan lamang po yan sa mga reporter na itinalaga ng administrasyon ni Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para maglingkod sa pamahalaan. Good luck po sa inyong lahat.

Pero ito po ang nakakagulat at mismong si Sec. Erwin, Winong sa kanyang malalapit na kaibigan, ang nagsabi sa panayam sa kanya na “now lang” niya nalaman na meron palang budget ang DSWD sa pagbibigay ng ayuda sa mga mahihirap na estudyante — to the tune of P500 million.

Ang tanong, kelan pa nagsimula iyan?

Kasi kung meron palang nakalaan na budget para sa mga estudyante na kalahating bilyon kada taon, saan napunta o kanino ibinigay ng mga nakaraang administrasyon ang salaping ito? Kasi kung sa anim na taon times P500 milyon equals three billion.

Wow, anlaking pera na sana ay napunta sa dapat mapuntahan, ang mahihirap na mag-aaral sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *