Matapos todasin ang kabaro, pulis ‘nagpakamatay’

Dedo ang isang pulis matapos barilin ng kanyang kapwa pulis na nagpakamatay rin umano at nagbaril sa sarili sa Nueva Vizcaya, Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Bagabag Police, kinilala ang biktimang si PCpl. Jomar Puhay (36), may-asawa, miyembro ng Bagabag Police at residente ng Villaros, Bagabag.

Kinilala rin ang suspek na si PMSg. Jefferson Bartolome (43) may-asawa, nakatalaga sa 1st PMFC Bayombong, na residente naman ng Poblacion West, Lamut, Ifugao.

Alas- 11:35 ng gabi nang maganap ang insidente sa border checkpoint sa Purok 2 Barangay Bakir.

Base sa salaysay ng mga kasamahan ng dalawa na sina Pat. Larry Dulente Tarayao, nakatalaga sa 1st PMFC at Pat. Christian Manibug, ay katatapos lamang umano nilang magsagawa ng checkpoint sa barangay nang bigla na lamang silang nakarinig ng putok ng baril.

Mabilis nilang tinuton ang pinagmulan ng putok at doon na nga nila nakita ang naliligo na sa kanyang sariling dugo na si Puhay, agad namang tumakas si Bartolome matapos ang pamamaril.

Sinubukan pang isugod sa ospital si Puhay ng kanyang mga kasamahan ngunit hindi na rin ito umabot pa ng buhay.

Natagpuan naman sa isang bakanteng lote ang bangkay ni Bartolome, ilang sandali lamang nang mapatay ang biktima, may tama ng baril sa kanyang bibig ang suspek na pinaniniwalaan ng mga awtoridad na nagbaril sa sarili.

Napag-alamang bago umano maganap ang insidente ay nakita pang naguusap ang dalawa nang bigla na lamang na magkataasan ng boses na nauwi sa pagmamaril ng suspek sa biktima.

Bagama’t case closed na itong maituturing ng nasabing istasyon ang kaso ay magsasagawa pa rin ng kabilang imbestigasyon ang PNP Internal Affairs Service upang malaman ang puno’t dulo ng insidente.

Nakatakda na rin umanong kunan ng paraffin ang dalawang pulis na namatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *