Sinibak sa puwesto ang Jail Warden ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) district jail matapos na magprotesta ang nasa 100 persons deprived of liberty (PDLs) at magreklamo dahil sa umano’y hindi sapat na pagkain na ipinamamahagi sa mga ito sa Pototan, Iloilo.
Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Xavier Solda ay inalis na sa pwesto ang jail warden doon na si chief Inspector Norberto Miciano, habang nagsasagawa ng imbestigasyon, pinalitan ito ni jail inspector Woody Palmejar.
Sa ulat ng Iloilo Police Provincial Office, ay nagsimula umano kamakalawa ng umaga ang kilos-protesta ng mga PDLs alas- 8:35 ng umaga at natapos ito bandang 3:23 ng hapon matapos na magkaroon ng negotiation.
Umakyat sa rooftop ng administration building ng BJMP sa Brgy. Nanga, Pototan, ang mga preso bitbit ang mga placard na nakasaad ang: “Gutom kami. Layas, Warden”.
Sa reklamo ng PDLs ay bukod sa kulang na pagkain na may P70.00 bawat inmate sa isang araw na na pagkain ng tatlong beses.
Napaka taas din umano ng presyo ng mga bilihin sa loob ng piitan at mayroon din umanong canteen sa loob na pinapatakbo umano ni Miciano.
Nagsimula umano ang protesta nang i-transfer ang 44 PDLs sa bagong gusali noong nakaraan Linggo.
Natakot umano ang iba PDLs na lahat sila ay ilipat at ikandado sa loob ng bagong gusali.
Ang Iloilo District Jail ay mayroon higit sa 1,000 PDLs at ang 44 na inilipat ay high-risk, high-profile, at high-value PDLs.