AJ Raval, maraming

Maugong ngayon ang balitang ang aktres na si AJ Raval daw ang parang siya ang naka-take charge sa tuwing magde-date sila umano ng kanyang rumored boyfriend na si Aljur Abrenica?

May mga ilang ulat kasi na naglalabasan na nagtatanong kung totoo raw ba na si AJ ang gumagastos kay Aljur, at ang ilan naman ay nagsasabi umano na hindi naglalabas ng pera si Aljur kapag nagde-date sila ni AJ.

May ilan naman nagsasabing parang ang hirap paniwalaan ng mga lumalabas na ugong na umaasa lang si Aljur kay AJ kapag lumalabas sila, be it in the mall or in a fancy restaurant.

May kinikita naman si Aljur, mukha naman siyang well-off at hindi naman siya mukhang naghihirap kaya parang ang hirap paniwalaan na umaasa lang siya kay AJ kapag lumalabas silang dalawa.

Kung matatandaan, naglabasan ang chikang may romantic something between Aljur and AJ nang makita silang magka-date sa isang mall.

Mula noon, hindi na tinantanan ng chika ang dalawa, the latest of which ay nabuntis na raw ni Aljur si AJ.

Mariin ang pagtanggi ni AJ na she is in an interesting stage. Ipinakita pa nga niya ang kanyang seksing katawan para pabulaanan ang chika.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *