Ayana Misola, humingi ng paumanhin

Humingi pala ng tawad ang Vivamax bombshell na si Ayanna Misola sa hunk actor na si Gab Lagman matapos nilang gawin ang isang sex scene sa bago niyang pelikula.

Hinding-hindi makakalimutan ng binata ang nasabing eksena sa sexy-thriller movie nilang “Bula” na idinirek ni Bobby Bonifacio, Jr. dahil sa ginawa sa kanya ni Ayanna.

Ito ang dahilan kung bakit humingi ng paumanhin ang sexy star kay Gab sa online media conference ng “Bula” dahil wala siyang idea na may limitasyon pala pagdating sa paghuhubad si Gab.

Sabi ni Ayanna, habang kinukunan ang love scene nila ni Gab, tinanggal ni Ayanna ang suot na underwear ng aktor kaya kinabahan ang lahat ng production staff sa shooting.

“Before yung scene na yun, naka-briefs lang ako tapos tinanggal nga ni Ayanna. Pero nag-plaster na po ako just in case. Sinasabi ko naman kay Direk, para mas gumanda yung scene, sabi ko, okay lang na tanggalin ko na kasi nadadaya.

Nu’ng natanggal naman ni Ayanna, itinuloy ko na lang. Nagulat din ako pero itinuloy ko na,” esplika ni Gab.

“If I wanted to do a sexy film, gusto ko kasi na komportable ako at gusto ko talaga yung story. Sobrang perfect ang Bula, it’s probably one of the pinakamagaan na set na naka-work ko, especially with Direk and the cast. Parang hindi kami nagtatrabaho. Parang ang gaan ng set lagi. Nag-meeting pa kami ni Direk nang one-on-one and pinag-usapan namin yung magiging scenes. Sinabi ko naman yung mga limitation ko and nag-go naman siya. Pagdating sa set, sobrang komportable ako. Sobrang nae-excite akong mapanood kasi alam kong maganda yung movie,” saad pa niya.

Mapapanood na ang sexy-thriller na “Bula” sa Vivamax ngayong September 2 starring Ayanna Misola, Gab Lagman, Rob Guinto at Kier Legaspi.

Ito ay kwento ni Meldie (Ayanna), isang babaeng nagtatrabaho sa laundry shop at namumuhay ng simple kasama ang asawa nitong baldado (Mon Confiado).

Sa unang tingin, sweet at mabait tingnan si Meldie, pero sa likod ng maamo niyang mukha ay isang babaeng mapanlinlang na gagawin ang lahat makuha lang ang gusto niya.

May kakaiba ring fetish si Meldie na isuot ang mga damit ng mga kliyente bilang foreplay na nakakapagsatisfy ng kanyang mga sexual fantasies.

Magkakagusto rin si Meldie sa isang gwapong police officer na kliyente niya sa shop, si Jacob (Gab Lagman), na may girlfriend namang si Celine (Rob Guinto).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *