Kim Chiu, proud kay Xian

Proud na proud ang aktres at TV host na si Kim Chiu sa kanyang boyfriend na si Xian Lim dahil unti-unti ay naaabot na nito ang pangarap niya.

Nagkaroon kasi ang aktres ng Q&A sa kanyang Instagram followers at isa sa mga natanong ay kung gaano nga siya ka-proud sa Kapuso actor.

“How proud of you of your now-director boyfriend @xianlimm?” tanong ng isang netizen.

“Super super beyond mega uber proud of him!” sagot ni Kim.

Napagbigyan kasi ng GMA ang matagal nang pangarap ni Xian na makapag-direct ng isang episode ng “Wish Ko Lang”
Kaya naman hindi mapigilan ng Kapamilya actress ang maging masaya para sa kanyang longtime dyowa.

“That’s his passion and so happy that he is living one of his dreams! Congrats direk xian! @xianlimm yes…. Lodi!!!!!!!” dagdag chika pa ni Kim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *