‘Mangkukulam’ raw, lolong PWD kinatay

Pinasok at pinagsasaksak umano ng isang babae ang isang hilot sa kanyang bahay, Huwebes.

Ang biktima: Matandang PWD na, aniya’y kumulam umano sa kanya dahil, imbes na gumaling sa iniindang sakit, ay lalo pang sumama umano ang kanyang lagay.

Sa imbestigasyon ni PSSg. Jeric Tindugan at PSSg. Michel Oben, 1:30 ng hapon nang makita ng saksing si Zaldy Tusi (52) ang suspek na pumasok umano sa bahay ng biktima at bigla na lamang umano kinulata ng saksak ang matanda.

Agad namang humingi ng tulong ang saksi sa kanilang mga kapitbahay at nagtulungan silang ma-corner ang suspek habang ang biktima ay isinugod ng kanyang anak sa nasabing ospital.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Sub-Station 4 sa pinangyarihan ng krimen at inaresto ang suspek kung saan nakuha sa kanya ang kitchen knife na ginamit umano sa pananaksak sa biktima.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *