RR Enriquez, na-blind item

Aminado ang TV host at personality na si RR Enriquez na siya ang tinutukoy sa blind item ng kolumnistang si Cristy Fermin kung saan sinabi sa blind item na “magaling mang-chuchu ng dating sa mga dyowang DOM”.

May mga clue rin umano na talaga namang patungkol na nga kay RR gaya ng may ka-apelyidong sikat na news anchor at maikli lang ang pangalan.

Hindi naman ito idinenay ng tinaguriang queen sawsawera bagkus inamin niya na siya nga talaga ang tinutukoy sa blind item sa pilot episode ng kanyang YouTube vlog.

“Napanood ko sa show nina Nanay Cristy na nagkaroon sila blind item doon. Actually marami ang nagko-comment sa akin, marami ang nagta-tag. Sabi nila ako raw ang nasa blind item nina ‘Nay Cristy,” sabi ni RR.

“And to be honest noong napanood ko ‘yung video na ‘yun tawang tawa ako. Tatlong beses ko siyang pinanood nang buo para lang ma-convince ko ‘yung sarili ko na ‘Ako nga yata yung nasa blind item’ kasi dalawang name tapos yung Enriquez, ‘yung newscaster,” dagdag niya.

Pero pag-amin ni RR, may “twist” daw ang blind item.

“Sabi nga nila there’s always two sides of story. Basta gano’n. So ako naniniwala ako na ‘yung bina-blind item nilang ‘yun ay pertaining to me talaga kasi it’s very obvious,” saad niya.

Dagdag pa ni RR, “Yes, it’s me. Ako siya pero mali ang information. Which I will say na hindi po totoo although meron mga somehow totoo.”

Aminado naman siya na mayaman talaga ang mga naging dyowa niya pero hindi naman daw totoo na kung kani-kanino siya nali-link at ang kasalukuyang partner niya ngayon at kasama na niya ng mahigit isang dekada na at ito ay si Jayjay Helterbrand.

“Yung blind item, hindi po akma sa story ko so I will say na that’s not the real me,” giit pa ni RR.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *