Kylie Padilla, umalma sa tsismis

Pinalagan ng aktres na si Kylie Padilla ang mga umuugong na balita na buntis umano siya at si Gerald Anderson daw ang ama.

Mariing pinabulaanan ng “Bolera” lead star ang chikang buntis daw siya ngayon at si Gerald daw ang ama ng kanyang dinadala.

Grabe naman kasi ang mga vlogger na naglabas ng fake news na ito sa YouTube at TikTok kung saan may ipinakita pa silang mga litrato ni Kylie na may baby bump na kuha sa Switzerland kasama si Gerald.

Ginamit pa ng mga ito ang mga litrato nina Kylie at Gerald na kuha sa Switzerland kung saan sila nag-shooting para sa pelikula nilang “Unraveled” under Mavx Productions.

Ngunit mariin nga itong itinanggi ni Kylie.

“Wala pong katotohanan sa mga lumalabas, magkaibigan lang po kami ni Gerald. Super professional lang po ang relationship namin. Nothing else! Nakakainis, ang dami! It’s so out of this world. Naba-bother lang ako na baka may maniwala, e,” sabi ni Kylie.

Sa panayam ng press kay Kylie sa naganap na virtual mediacon para sa finale ng “Bolera”, sinabi nito na wala pa siyang planong magkadyowa uli dahil mas gusto niya munang pagtuunan ng panahon ang kanyang sarili at ang dalawa niyang mga anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *