Chie Filomeno, nagluluksa

Nagluluksa ngayon ang aktres at dating PBB Housemate na si Chie Filomeno nang pumanaw na ang kanyang alagang aso.

Inamin ng dalaga na napakahirap tanggapin na wala na ang pinakamamahal niyang pet dog na si Matty na namaalam na nga nitong August 26 at abot-langit ang pasasalamat ng dalaga sa asong nakasama rin niya nang mahabang panahon.

Sabi ng dalaga, talagang hinintay pa raw ng alaga niyang aso ang kanyang kaarawan bago ito tuluyang pumanaw.

Nagbahagi si Chie sa kanyang Instagram account ng mga litrato nila ni Matty kalakip ang mensahe ng pamamaalam sa alagang aso na talagang itinuring na niyang parang tunay na anak.

“I didn’t know angels came with four paws till I met you Mattyboo, thank you for completing our home and thank you for completing me. Si Matty kahit hindi ako umiyak alam niya kapag malungkot ako at alam niya paano ako pasayahin kahit matampuhin siya kasi madalas ako wala sa bahay but he still never fails to put a smile on my face,” saad ni Chie.

“Wala ng mangungulit at uutusan ako kunin yung bola niya. You’re so strong Matty, inantay mo pa din birthday ko. Grabe no words can describe how painful it is to lose you but I know you’re no longer in pain now. Mahal na mahal kita Matmat. Run free,” dagdag niya.

Sa isa pa niyang post sa IG Story, makikita ang favorite photos at video clips na ginawa nila ni Matty noong nabubuhay pa ito.

“Til your last breath you made sure I’m perfectly fine…To the best golden retriever in the world may the doggo heaven give you lots of tennis balls and Zert strawberry shortcake treats you deserve Mattyboo,”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *