Misis kinatay ni mister

Nakagapang pa papalabas ng bahay ang biktima ng pananaga sa Lake Sebu sa South Cotabato nitong Biyernes, naglalawa ang dugo sa sahig at wakwak ang laman.

Paglingon ay nakita niya ang mister, nag-ngangalit ang mga mata, nakarehistro ang mga huling sandaling iwinasiwas niya ang itak para tadtarin ang kanyang leeg hanggang mapugot ang ulo.

Ayon sa Lake Sebu Police: Selos.

Kinilala ang biktimang si Marina Klanding Kuyan; ang suspek, Julie Kabansil Kuyan, pawang residente ng Sitio Kabalig, Barangay Klubi.

Ayon kay Police chief Lt.Col. Joven Bagaygay, bago ang krimen ay nagkaroon umano ng mainit na pagtatalo ang mag-asawa dahil umano sa matinding selos ng suspek.

Walang ano-ano’y bumunot ito ng itak saka kinulata ng taga ang misis.

Tumakas man ay kalauna’y kusa ring sumuko sa pulisya ang suspek at isinalaysay ang krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *