Rob Guinto, walang pakialam sa bashers

Aminado ang sexy actress na si Rob Guinto na hindi siya naapektuhan sa mga masasakit na salita na ibinabato ng kanyang mga bashers sa social media at nananatili pa rin siyang palaban.

Sa ngayon ay sunod-sunod ang proyekto ng dalaga sa Viva Films kaya naman nagpapasalamat siya sa mga natatanggap niyang mga blessings.

Isa sa mga nagmarkang pelikula ni Rob sa Vivamax ay ang “Virgin Forest” kung saan wala siyang keber na nag-frontal nudity. As in talagang nagtatakbo siya sa kagubatan nang hubo’t hubad.

Ngayon naman ay may latest movie and dalaga – ang “Bula” – kung saan gaganap siyang girlfriend ng hunk actor na si Gab Lagman at makaka-love triangle pa nila ang isa pang palaban sa hubaran na si Ayanna Misola.

Ayon sa dalaga, wala siyang pakialam sa mga sinasabi ng iba.

“They can say anything they want, but I’m just thankful to Viva for giving me a second chance. Kasi the first time dinala ako sa kanila, hindi pa ako ready to go sexy, so tumanggi ako. I’m more of a model kasi. But during the pandemic, nawala lahat ng events that need models. So nawalan din ako ng income,” saad ni Rob.

“Maraming umaasa sa akin. So, nang bigyan ako ng Viva ng another chance, malaki ang naging tulong noon sa akin at sa family ko. Dito talaga ako nabigyan ng sunud-sunod na projects and I’m just so thankful sa Viva para sa nagawa nila for me. Kaya kapag may project na ibinibigay sila sa akin, alangan namang mag-inarte pa ako,” dagdag niya.

First time na nagpaka-daring si Gab Lagman sa pelikula kaya talagang inalalayan daw ni Rob ang binata sa kanilang mga sex scenes.

“Gentleman si Gab, sobrang mabait kaeksena at masayang kasama sa set. Nagtutulungan kami sa mga eksena, lalo na sa most challenging part sa climax ng movie na may patayang naganap.

“Siyempre, I cannot reveal the details dahil spoiler. But it was so challenging for me kasi very brutal ang execution. Madugo talaga, pero he was there para umalalay sa akin,” aniya pa.

Mapapanood na ang “Bula” sa Vivamax simula sa September 2. Makakasama rin nina Rob, Gab at Ayanna sa movie ang veteran character actor na si Mon Confiado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *