Angelica Panganiban, nagsilang na

Finally, nanganak na rin ang aktres at first time mommy na si Angelica Panganiban sa kanilang panganay na anak ni Gregg Homan at pinangalanan nila itong Amila Sabine Homan.

Nitong Martes nanganak ang aktres at sa kanyang Instagram account, ibinahagi niya ang larawan ng kanilang baby na kita lamang ang mga mata nito.

“Bean waiting for you all my life,” saad ni Angelica.

Siyempre, bumuhos ang well-wishers para sa anak ni Angelica.

“OMG!!!!! Ayan na sha!!!!! congratulations momsy!!!!!! hello queen B!!!!!!” comment ng malapit niyang kaibigang si Kim Chiu.

Saad naman ni Janine Gutierrez, “Congratulations beautiful angge!!!!!”

“Sissssss congratulations!!!!!! She’s got your eyes,” sey naman ni Camille Prats.

Hirit pa ni Cherry Pie Picache, “Naku naman!!!!!! Abujing jing sabine!”

Bukod rito ay nag-comment rin sina Melai Cantiveros, Zanjoe Marudo, Antoinette Jadaone, Jodi Sta. Maria at marami pang iba.

Marami naman sa mga netizens ang curious sa itsura ng kanilang baby girl at talagang inaabangan kung kailan ito ipapakita nina Angelica at Gregg.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *