Aminado ang aktres at beauty queen na si Megan Young na ayos lang sa kanila ng kanyang asawang si Mikael Daez kung hindi sila magkakaroon ng anak.
Ayon kay Megan, madalas raw siyang matanong ng mga tao patungkol sa kanilang plano ng mister na magkaanak, pero hindi na rin naman daw siya na-o-offend o naiinis sa tuwing makakarinig at makakatanggap ng ganitong klaseng tanong dahil alam niya kung ano ang isasagot.
“My answer to those questions would be, if we have kids, then we have kids. If we don’t, we don’t. If I get pregnant, okay, and if not, then we just continue living life,” sabi ni Megan.
Dagdag pa niya, sa tuwing mapag-uusapan nga raw nila ito ay nagiging curious ang mga tao kung ano nga ba ang kanilang pananaw sa pagbubuo ng pamilya.
“I guess it’s not normal or it’s not like a common thing for couples to be like, ‘Yeah, we’re fine even if we don’t have kids.’ Usually, it’s like ‘Yeah we’re trying,’ or ‘Yeah we really want to have kids,’ or sometimes, ‘Maybe like in the next couple of years’. But for them to actually hear, ‘Oh they might actually be okay without kids,’ it’s a bit of a shock to some people,” sabi ng aktres.
Para naman kay Mikael, ang desisyon talaga kung kailan sila magkaroon ng anak ay nakadepende kay Megan lalo na at ito ang magdadala ng kanilang anak sa loob ng 9 months na pagbubuntis.
“I say we’re going with the flow and it’s really all up to Bonez (Megan). Because like you said, you are the baby carrier and I’m just here to tell them that I’m here to support,” saad ng aktor.
“If ever there’s an oops and you get pregnant then okay great, that’s not a problem with us. But if we had a choice, then we’re kind of okay just coasting along living our life, and seeing what life throws at us,” dagdag niya.
Sinabi naman ni Megan na hindi niya inaakala na darating sila sa puntong mapag-uusapan nila ang topic na pagkakaroon ng sarili nilang pamilya.
“I think it’s discovering what I wanted for my own life. Parang they always say figure out what you really want and it will make you happy,” sabi ni Megan. “Although a lot of people tell me na iba yung saya kapag nagkaanak ka, ‘yung makikita n’yo yung sarili n’yo sa mga anak n’yo… Parang I didn’t know if that is something I really wanted… is that something I want to focus in life?”