Kathryn Bernardo, nagpakilig

Nagpakilig sa publiko ang aktres na si Kathryn Bernardo at ang kanyang boyfriend na si Daniel Padilla nang mag-selfie ang dalawa para sa serye nilang “2 Good 2 Be True”.

Tiningnan kasi ni Ali ang cellphone ni Eloy. Na-discover niyang naroroon pa ang photo niya kung saan naka-facial mask siya. Pinilit niyang ipinabubura ito kay Eloy pero ayaw naman ng binata dahil iyon daw ang nagpapasaya sa kanya.

Nag-selfie na lang ang dalawa. Feeling ni Ali ay napilitan lang si Eloy dahil hilaw ang ngiti nito sa kanilang photo.

Siyempre, maraming kinilig na KathNiel fans.

Narito pa ang ilang mga comments ng mga netizens:

“yong ngiti ko sa scene na to abot hanggang tenga nakakakilig talaga basta Kathniel.”

Mapapanood ang “2 Good 2 Be True” pagkatapos ng Mars Ravelo’s Darna sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, TFC, A2Z Channel 11 at TV5.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *