Rabiya Mateo, good terms sa ex

Mukhang maayos naman ang nangyaring hiwalayan ng aktor na si Jeric Gonzales at beauty queen-actress na si Rabiya Mateo.

Ayon sa dalaga, kahit paano ay naka-move on na siya.

Ang aktor naman, sinabi matapos ang paghihiwalay nila ay nanatili silang magkaibigan.

“Mas gusto na lang namin sabihin na we’re good friends and we support each other. Hindi kami ‘yung nag-break na as in wala na talaga, nag-away, gano’n. We want it [to be] private lang, we’re on good terms,” sabi ni Jeric.

Dagdag pa niya, napanatili naman daw nila ang magandang relasyon sa isa’t isa dahil wala naman daw nangyaring malaking awayan sa pagitan nila.

Bagamat maayos ang kanilang naging paghihiwalay ay inamin ni Jeric na naging “depressing” pa rin ang pangyayari para sa kanya.

Unang kumalat ang tsismis na may “something” sa pagitan nina Jeric at Rabiya noong 2021 matapos silang makitang sweet na magkasama sa isang amusement park sa Laguna.

At nitong March 2022 nga nang tuluyang umamin ang dalawa sa publiko patungkol sa kanilang relasyon.

Ngunit makalipas nga ng ilang buwan ay umugong naman ang chika mukhang nagkakalabuan na sina Jeric at Rabiya nang magkaroon ng cryptic post ang huli.

“I owe myself the biggest apology for putting up with what I didn’t deserve,” saad sa photo card na ibinahagi ng dalaga.

Makalipas ang isang buwan ay pumutok nga ang balitang tuluyan na silang naghiwalay matapos mamataan ng mga netizens na nag-unfollow na sila sa Instagram account ng bawat isa at nawala na rin ang mga larawan nilang magkasama sa kanilang IG, pero sa ngayon ay muli na nilang pina-follow ang isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *