Bata patay sa pinaglaruang baril

Patay ang wala pang kamuang-muang na batang lalaki matapos na mabaril ang sarili sa pinaglalaruang baril nito sa Maguindanao, nitong Linggo.

Kinilala ang biktimang si Joshua Lenorio, 7, ng Sitio Bagong, Brgy. Kabengi, Datu Saudi Ampatuan.

Sa ulat ni Datu Saudi Ampatuan IP mandatory Representative Bello Jovel Tenorio, ay alas-3:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa labas lamang ng bahay ng biktima.

Ayon sa mga kapitbahay na nakasaksi, ay nakita pa nilang nilalaro ng biktima ang baril na animo’y isang action star, at sa pag-aakalang laruan lamang ang hawak ng paslit ay hinayaan lamang nila ito.

Ilang sandali pa ay umalingawngaw na lamang ang putok ng baril at nang lingunin nga nila ang biktima at may tama na ito sa ulo.
Nagbakasakali pa silang isugod sa pinaka malapit na pagamutan ang biktima ngunit hindu na rin ito pinalad pang mabuhay at idineklarang dead on arrival.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nasabing insidente, inaalam na rin kung sino ang nagmamay-ari ng baril at paano ito napunta sa bata kung saan ay blanko din naging ang kanyang pamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *