Chie Filomeno, may hugot

Aminado ang aktres at Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 alumna na si Chie Filomeno na nalulungkot siya sa mga nambabash sa kanila noon ni Kyle Echarri lalo na ngayong halos nawala na ang dating closeness ng dalawa.

Kahit nagkasama pa sila sa isang TV series ay nawala na umano ang kanilang pagiging malapit lalo na nang mabash sila – lalo na ang dalaga – nang magkaroon ng tsismis sa pagitan nila at ng katambal ni Kyle na si Francine Diaz.

“Na-sad ako hearing that now. Alam ko naman kung bakit siya umiiwas and I respect that. Pero ayun, medyo naging sad lang. Pero kasi, for me, friendship is more important than anything,” sabi ng dalaga.

“Ako, like from time to time talaga, kukumustahin ko siya especially kapag alam kong may pinagdadaanan siya. I’d still be there, I’m still a friend,” dagdag niya.

Ayon pa kay Chie, hindi naman nawala ang pagkakaibigan nila ni Kyle.

“Hindi naman nawala yung friendship, pero siyempre nandun yung ilangan, makikita naman natin kung ano ang mangyayari. Siyempre medyo ilag kami sa isa’t isa,” saad ni Chie.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *