Heart Evangelista, nagpabilib ng foreign celebrity

Talaga namang hindi magpapatalbog ang aktres at fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang pagrampa sa Paris Fashion Week at napabilib pa niya ang international star na si Victoria Beckham.

Noong Biyernes, isa si Heart sa mga celebrity fashionista na nanood sa debut ng former Spice Girls member bilang isang fashion designer sa Paris Fashion Week show at suot ni Heart ang ilan sa design mula sa Victoria’s collection. Makikita ang mga ito sa mga ipinost na photos and videos ni Heart sa kanyang Instagram account.

Kasama sa naging wardrobe ni Heart ang Victoria Beckham’s structured coat dress and ruffled tie-neck blouse at talaga namang glamorosa ang naging dating niya nang tinernuhan pa niya ito ng monogram circle bag na nagkakahalaga umano ng P32,389, base na rin sa nakasaad sa kanilang official website, at ng platform ankle-strap heels.

Sa kanyang caption, tanging black heart emoji lang ang inilagay ni Heart at itinag ang dating miyembro ng Spice Girls.

At nang makita nga ni Victoria ang mga Instagram updates ni Heart, talagang nagkomento ito at pinuri nang bonggang-bongga ang Kapuso star.

“U look incredible!!! Perfect VB muse!!!” ang iniwang comment ni Victoria Beckham.

Kamakailan lamang ay ginawa namang “santo” ng mga babaeng niloko at iniwan ng kanilang mga dyowa si Heart. As in dinasalan talaga nila ang imahe ng aktres para patnubayan at gabayan sila sa pakikipagrelasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *