Rabiya Mateo, happy pa rin

Aminado ang aktres at beauty queen na si Rabiya Mateo na masaya siya ngayon kahit pa may mga usap-usapan pa rin kaugnay sa naging paghihiwalay nila ng aktor na si Jeric Gonzales.

Magkasama ang dalawa sa variety show ng GMA na “TiktoClock” kung saan isa si Rabiya sa mga host at ayon sa kanya, maayos naman ang paghihiwalay nila ni Jeric at hindi rin sila daw sila nagkailangan nang muling magkita sa studio ng “TiktoClock.”

“Masaya naman kasi unlike nu’ng mga nakikita ng mga tao na articles sa social media, na minsan fake talaga. Minsan, kami nga ni Jeric, nagugulat na, ‘O, ito ‘yung mga sinasabi nila na may ganito tayo, may ganyan.’ But at the end of the day, alam ko kami ni Jeric, we’re good friends. And, mas kilala namin ‘yung isa’t isa more than anybody around us,” sabi ni Rabiya.

“So nu’ng nagkita kami sa ‘TiktoClock,’ wala talagang halong awkwardness, ako magsasabi talaga,” dagdag pa niya. “Magkaibigan kami, at hindi naman masama ‘yung nangyari sa amin kumbaga. So, we just had fun, and nakita ng audience ‘yon.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *