Marian Rivera, OA na nanay

Aminado ang aktres na si Marian Rivera na OA siya pagdating sa pag-aalaga at pagpapalaki sa mga anak nila ni Dingdong Dantes.

Pero talaga namang hands-on ang dalawa at ang lahat ng pangangailangan nina Zia at Ziggy Dantes mula sa mga materyal na bagay hanggang sa pagmamahal at pagkalinga sa mga ito at talagang ibinibigay nila.

Ang pagbibigay prayoridad sa kalusugan ang itinuturing nina Dong at YanYan na isa sa pinakamahalaga nilang tungkulin sa kanilang tahanan.

Ang Kapuso royal couple kasama sina Zia at Ziggy ang mga brand ambassadors ng Ceelin Plus na nagpapalakas sa immunity ng mga bagets.

“Nag-eendorso kami ng isang produkto palagi na kailangan na ginagamit ko at sure ball ako na gagamitin ko siya. Ayoko siyang i-endorse just for the sake of the money or because of may endorsement ako,” sabi ni Marian.

“Nakikita namin ang benepisyo ng tamang pag-inom ng vitamins, especially now nagpe-face-to-face classes na ‘yung mga anak namin. Sorry for the term talaga, for being a mom is being paranoid and OA talaga,” dagdag niya.

“Ayaw namin gumawa ng plataporma na hindi namin pinaniniwalaan at wala din ‘yung puso namin. So sa bawat post namin at ginagawa namin, gusto namin na nagre-reflect ‘yun sa amin at nakikita ‘yun ng mga taong nagmamahal sa amin. Mahal namin kayo. Mahal namin kung anong binigay n’yo sa amin, so let’s help each other,” sabi pa ni Marian.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *