Kuya patay sa hatian ng lupa

Dahil lamang sa away sa hatian sa lupa ay napatay ng isang lalaki ang kanyang nakatatandang kapatid sa San Francisco, Quezon Province nitong Huwebes.

Sa ulat ng pulisya ay kinilala ang biktimang si Michael Yare, 39, habang ang suspek at nakababatang kapatid nitong ay si Melencio Yare, 37, kapwa residente sa Barangay Don Juan Vercelos.

Pauwi na sana noon ang biktima kasama ang kanyang anak galing sa panghuhuli ng hipon, nang lingid sa kanyang kaalaman ay inaabangan na pala siya ng suspek.

Nang papalapit na ang suspek ay doon siya hinarang ng kapatid saka walang habas na pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan kahit pa sa harap pa mismo ng kanyang pamangkin.

Agad na nasawi ang biktima habang mabilis ding tumakas ang suspek ngunit naaresto rin kalaunan sa isinagawang manhunt operation.

Napag-alaman naman mula sa kaanak ng magkapatid na matagal na umanong may alitan ang mag-kuya na ng pinagugatan ay ang hatian sa mga pananim at lupang kanilang minana.

Nasa kustodiya na ngayon ng himpilan ng pulisya ang suspek na nahaharap sa kasong parricide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *