Pelikulang ‘Lampas Langit,’ sasabak sa international filmfest

International Film Festival-Manhattan-bound pala ang pelikulang ‘Lampas Langit’ na idinirek ng aktor at dating singer na si Jeffrey Hidalgo kaya naman tutungo ang direktor sa Amerika.

High hopes ang direktor para sa pelikula na pinagbidahan ni Christine Bermas sa gaganaping international filmfest mula October 14 hanggang 17.

“It would be nice to bring home an award pero para sa akin kahit ano okey lang sa akin… nag-text nga sa akin even ’yong cinematographer si Rommel Sales. Sabi ko sa kanya,’O, bro, sana manalo ka dito for best in cinematography.’ Diba ang ganda din ng ilaw, ang ganda din ng look ng pelikula diba?” sabi ni Jeffrey sa Lampas Langit.

But more than anything, mas gusto raw niyang mapansin ang mga artista niya—lalo na si Christine—kahit ng mga local award-giving bodies.

“Of course I want all my actors to win awards… Baron Geisler for best actor, for best supporting si Direk Ricky Davao at si Cloe Jenna. Pero si Christine talaga ’yong gusto kong manalo for best actress.

Ipu-push namin siguro dito sa ano sa local awards, pero hopefully sa ibang bansa rin mapansin ’yong acting n’ya kasi mahirap ’yong pinagawa ko sa kanya na acting—’yong nandoon lang na parang… it’s hard to hold that na parang wala s’yang binibigay pero meron,” sabi ni Jeffrey.

“Kasi parang she’s doing you in, parang she’s giving you enough pero parang she’s doing you in. ’Yon ’yong pinag-uusapan namin palagi na atake n’ya, e. Na sobrang nagawa n’ya kaya sobrang proud ako sa kanya,” dagdag pa niya.

Ang Lampas Langit, na ipinalabas sa Vivamax nito kang August, ay tungkol sa isang intriguing na babaeng akala mo ay inosente ngunit isa palang master manipulator.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *