SHS teacher, patay sa estudyante

Isa na namang guro ang patay ngunit pagkakataong ito ay mismong estudyante nito ang nakapatay sa kanya sa gitna ng inuman sa Basey, Samar, nitong Lunes.

Sa ulat ni Police Executive Master Sergeant Gerry Vargas ng Basey Police Station, ay alas – 2:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa boarding house ng biktimang si George Lauron, 32, isang Science teacher sa Basey National High School.

Kasalukuyan umano noong nakikipaginuman ang guro sa suspek na si Kurt Lancanan, 19, at iba mga kasama nang biglang magkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng dalawa.

Walang ano-anong bigla na lamang na dinampot ng suspek ang isang patalim saka walang pagaalinlangang itinarak sa dibdib ng teacher na agaran din nitong ikinasawi.

Kusa namang sumuko sa pulisya ang suspek matapos mismo ang insidente, na ngayon ay kasalukuyang nasa kustodiya na ng nasabing istasyon habang hinihintay pa ang pagsasampa ng kasong murder case laban sa kanya prosecutor’s office.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *