Jane de Leon, naging kundoktor

Nakipag-bonding ang aktres na si Jane de Leon sa mga drayber ng pampasaherong jeepney na bumibiyahe sa Makati City na bahagi ng #DarnaAll tour ng ABS-CBN at JRB Creative Production bilang pasasalamat sa lahat ng mga sumusuporta at tumututok gabi-gabi sa “Mars Ravelo’s Darna”.

Nakasama ni Jane sa #DarnaAll tour ang iba pang cast ng serye kabilang na sina Mac Manicad at LA Santos sa pakikipagkuwentuhan sa mga jeepney drivers.

Sa ilang mga larawan na lumabas sa social media, kitang game na game ang aktres at nag-enjoy siya sa pagsabak niya bilang kundoktor ng mga driver doon. Pinagbigyan din ni Darna ang mga fans na gustong magpa-selfie sa kanya

“Abangan ang susunod na paglipad ni #Darna sa inyong lugar!” ang teaser ng ABS-CBN patungkol sa susunod na paglipad ng #DarnaAll.

Napapanood ang “Darna” sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel, CineMo, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC, sa direksyon nina Chito Roño, Avel Sunpongco at Benedict Mique.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *