Pamangkin, nabuntis matapos gawing sex slave ng 2 tiyuhin

Ibinalibag sa kulungan ang dalawang manyakis na magkapatid matapos na mabuntis ang sarili nilang pamangkin na pitong taon nilang ginawang sex slave sa bayan ng Peñablanca, Cagayan.

Nasa kustodiya na ngayon ng Cagayan Provincial Jail ang magkapatid na suspek na itinago sa pangalan Zack, 21, Top 3 sa regional level at alyas Joey, 20, top 7 sa Provincial level, pawang binata at magsasaka ng Brgy. Namabbalan.

Sa ulat ni PLt. Juliet Quinagoran, deputy chief of police ng PNP-Peñablanca, ay walong buwang buntis ngayon ang biktima na na nang umpisahang pagparausan ng kanynag mga tiyuhin ay nasa 13 anyos pa lamang siya.

Naaresto ang magkapatid, sa bisa ng warrant of arrest sa tig-dalawang counts ng rape, nitong Lunes, 3 Oktubre 2022, na walang inirekomendang piyansa.

Napag-alamang noon pang taong 2015 nang unang pagsamantalahan ni Zack ang kanyang pamangkin na naganap din sa bahay ng kanilang hipag. Nangyari naman ang panghahalay na ginawa ni Joey sa parehong biktima noong September 2021.

Nasundan ang panggagahasa muli noong October at December, 2021 at muli namang naulit ang panggagahasa noong Enero 2022.
Hindi pa sana malalaman ang kahayupan ng mga suspek sa sariling pamangkin kung hindi pa lumaki ang tiyan nito, at nagdadalang tao na pala.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na rin ng kanyang tatay ang biktima habang ang kanyang nanay ay naghahanap-buhay abroad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *