Inanunsyo ng Southern Police District (SPD) na nakakuha na umano sila ng lead hinggil sa kaso ng pagpatay sa broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Ito ay ayon sa kanilang nakita sa dashcam ng sasakyan at cell-phone ng inambush na ni-turnover sa pulisya ng naiwang pamilya ng biktima.
Ayon sa isang pahayag ay inaasahan umano ng pamilya ni Mabasa na magkakaroon na ng resulta ang imbestigayon ng mga awtoridad sa loob ng 24 oras na ibinigay sa SPD ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Brig. Gen. Jonnel Estomo.
Ito nga ay matapos makakuha ng lead ang pulisya sa footage na nakuhanan ng dashcam ng sasakyan ni Mabasa.
Sa ngayon ay pinag-aaralan na rin ng SPD ang CCTV footage na galing naman sa barangay na nakasasakop sa lugar ng pinangyarihan para sa pagkakakilanlan ng suspect na nakasakay naman sa motorsiklo.
Base sa initial report, ang lalaki na nakita sa footage ang pinaniniwalaang bumaril at nakapatay kay kau Mabasa.
Ayon naman ni Las Piñas Police chief Col. Jaime Santos, na kanila pa ring hinihintay ang resulta ng digital forensic test na isinagawa sa cellular phone of Lapid para malaman ang huling mga nakausap ng biktima o kung nakatanggap ba ito ng death threats.
Maaaring umanong maging instrumento ang digital forensic test upang matuloy ang pagkakakilanlan ng suspect na walang habas na bumaril broadcaser nitong Lunes ng gabi.
Kasalukuyan na ring nagsasagawa ng backtracking process sa CCTV footage na kanilang nakuha mula sa barangay kung saan nangyari ang insidente.