Bela Padilla, may bagong movie project

Inihayag ng aktres, direktor at scriptwriter na si Bela Padilla na may inihahanda siyang bagong pelikula.

Sa kanyang IG, ipinakita ng dalaga ang isang video na ipinapakita ang kanyang “life lately” matapos umuwi ng Maynila mula London at nakadetalye rin doon ang ilan sa mga pinagkaabalahan niya, kabilang na riyan ang pakikipag-bonding kasama ang mga mahal sa buhay, at pagbisita sa kapwa-aktres na si Kim Chiu.

Hindi pa niya nabanggit ang tungkol sa bagong pelikula, pero sinabi niyang kasalukuyan niya pang binubuo ang kanyang team.

“Arrived in Manila a few weeks ago and spent my days enjoying some quiet moments in @chinitaprincess ‘s house…driving…going to my usual favorite spots…spending time with family and friends…and ultimately, mounting a new film with the best team,” sabi ni Bela.

Noong nakaraang linggo lamang nang mag-post si Bela na nagsasagawa siya ng location hunting sa Clark, Pampanga.

“Location hunting for our new film (it’s my first time in the Clark airport and I’m so impressed!)” saad ng dalaga sa kanyang caption.

Matatandaang noong Abril nang mag-debut bilang direktor si Bela sa pelikulang “366” under Viva Films.

Bukod sa pagdi-direk, siya rin mismo ang sumulat, nag-produce at bumida sa pelikula.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *