Janelle Tee, awkward minsan

Aminado ang sexy actress at dating beauty queen na si Janelle Tee na minsan ay nakakaramdam siya ng awkwardness sa kanyang mga sex scenes sa mga pelikula niya.

At sa bagong offering ng Vivamax na “AN/NA” na isinulat at idinirek ni Jose Javier Reyes, sinabi ni Janelle na kahit marami na siyang pelikulang ginawa na may hubaran at love scenes gaya ng “Escort Wife,” “Secrets”, “Putahe,” “Kinsenas Katapusan,” at “Pusoy”, hindi pa rin siya sa sanay.

“Grabe naman ‘yung nasanay na? Hindi naman ako nasanay eversince nandoon pa rin ‘yung kaba lalo na ‘yung mahahabang love scenes na iso-shoot namin, so wala naman akong alinlangan sa mga love scenes nandoon pa rin yung kaba kasi the trust kasi is there,” sabi ni Janelle.

“Yung awkwardness siguro, si Fabio kasi ‘yung kakilala ko sa lahat at kaibigan ko, so, ‘yun ang awkward kasi may love scenes kami mas mahirap pag kakilala mo. Kung hindi mo kakilala, okay lets’ do this. Sana may rapport at okay sa camera, pero awkward kapag kilala mo ‘yung ka-eksena mo. So, I think ‘yan ‘yung mga experience ko sa love scene,” dagdag niya.

Samantala, bilang nagbibigay ng sex service sa pelikula, natanong si Janelle kung sino ang gusto niyang makasama.

“Ultimate crush ko kasi sina John Lloyd Cruz at Derek Ramsay. Ha-hahaha! Hindi nakutento sa isa!? Si Derek kasi di ba ang hot niya sa mga movie, so, lahat ng gusto nila ay gagawin ko, lahat ng posisyon gagawin namin kung gusto nila at siyempre lahat din ng gusto ko gagawin din nila. Ganu’n naman, di ba?” saad ng dalaga.

Nagsimulang ipalabas ang “AN/NA” series noong Setyembre 25 at sa natitirang last two episodes nito na mapapanood sa Vivamax ay dapat daw abangan sabi ng tatlong bida kasama na si direk Joey.
Kasama rin sa series sins Rob Guinto, Greg Hawkins, Fabio Ide, Rolando Inocencio, Micaella Raz, CJ Jaravata, Axel Torres, Azi Acosta at Clara del Rosario.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *