2 kalaboso sa shabu

Isang lolo at kasama nitong pawang mga listed drug pusher, ang himas-rehas ngayon matapos na maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, Huwebes ng gabi.

Sa ulat ni Navotas City Police chief Col. Dexter Ollaging, ay kinilala ang mga naarestong sina Napoleon Naval, 43, at Ronaldo Cruz , 60.

Alas-9:30 ng gabi nang magsagawa ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Luis Rufo Jr., ng buy bust operation sa kahabaan ng A. Santiago St., Brgy. Sipac Almacen

Isang undercover police ang nagawang makabili ng halagang P500.00 ng shabu sa dalawa.

Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, ay doon na mabilis na dinamba ng mga awtoridad ang dalawa.

Nasakote mula sa mga suspek ang more or less kumulang 11 grams ng hinihinalang shabu na may street value na P74,800 at buy-bust money.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng nasabing himpilan ang dalawa na pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *