Chie Filomeno, bumuwelta sa socmed

Hindi inatrasan ng aktres at dating Pinoy Big Brother housemate na si Chie Filomeno ang social media personality na si Valentine Rosales matapos ang komento ng huli kaugnay sa post ng dalaga sa social media.

Nitong nakaraan kasi nakita sa isang news Facebook page ang larawan ng driver’s license ni Chie, at nagkomento si Valentine ng “Akala ko si ano…”

Hindi pinalampas ni Chie ang tirada ng socmed personality.

“Alam mo tumigil ka ng clout chaser ka. Let her rest in peace please,” sagot ng aktres.

Muli namang nag-comment si Valentine at sinabing, “Haaa? Kala ko si Nadine! Ano ba sinasabi mo?”
At mukhang hindi rin aatras si Chie at muling tinalakan ang kausap.

“Galing mo talagang sinungaling no? papalusot ka pa eh,” sey pa ng dalaga.

Bagamat walang sinabing pangalan si Valentine kung sino ang kanyang tinutukoy, marami sa mga netizens ang naghinuha na si Christine Dacera ang tinutukoy niya na matatandaang binawian ng buhay noong January 1, 2021 dahil sa ruptured aortic aneurysm.

Isa si Valentine sa mga huling nakasama ng dating flight attendant bago ito binawian ng buhay.

Bwelta ulit naman ng social media personality, “Mas magaling ka padin nakapag-earrings ka nga sa Pic Kahit bawal eh.”

Ayon sa post ni Chie sa kanyang Facebook page, talagang pinaghandaan niya ang larawan sa driver’s license dahil 10 years ang validity nito.

“10 years. Dapat worth it. WALANG ARTISTA ARTISTA DITO! KALOKA. Nakakarindi yung mga comment na “porket artista ganito ganun.” Hindi po ganun yun. At hindi gagawin ng mga trabahante ng DFA and LTO ang may pa ‘special treatment’.

Uhm salamat sa tiktok sa mga tips na napanood ko at NAG BABASA ako ng email ng DFA about sa kung ano ang PWEDE at BAWAL,” saad ng aktres.

“Sa drivers license pwede naman naka makeup wag lang nakakabulag na makeup at pwede mag hikaw wag lang pang Merry Christmas na hikaw. Okay na po ba? Let people enjoy things. Gusto ko presentable ako sa ID photos ko, kaya nag eeffort po ako,” dagdag pa ni Chie.

Balik naman ni Valentine, iba raw talaga kapag may special treatment na pinabulaanan naman ng aktres.

Marami rin sa mga netizens ang hindi nagustuhan ang mga sinabi ni Valentine.

“Masyado kasing papansin. Baklang to,patahimikin mo na din yang buhay mo hindi yung puro ka pakikialam at pagpapasikat,” saad ng isang netizen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *