Bea Alonzo, nasasaktan rin

Aminado ang aktres na si Bea Alonzo na kahit hindi niya pinapansin ang pambabash sa kanya ng ilang mga netizens ay nasasaktan rin siya paminsan-minsan lalo na kung hindi talaga niya nagugustuhan ang mga sinasabi laban sa kanya.

Ayon sa isa sa mga bida ng Kapuso primetime series na “Start-Up PH”, nakakaramdam din siya ng sakit kapag binabash siya.

“Siyempre hindi ako magiging ipokrita. Sometimes, nasasaktan ako. Kasi, tao lang ako, e. Kasi, di ba, sometimes they just say things. Hindi nila naiisip na tao ako. Tao yung pinagsasabihan nila. May emosyon, nasasaktan. And whenever that happens, I let myself get hurt. Kasi, tao ka, e. Hindi mo puwedeng i-shake-off iyon. It’s your own process. Gano’n talaga ang buhay,” sabi ni Bea.

Pero may mga pagpuna o kritisismo rin siyang natatanggap mula sa netizens na katanggap-tanggap na nagiging motivation niya para mas pagbutihin pa ang trabaho niya bilang artista.

“I only picked the criticisms that will only help me. Because there are things na hindi mo naman kailangan sa buhay mo, in fact, baka makasama pa sa iyo. You don’t want to dwell on that kind of energy. But yung criticisms na nanggagaling sa mga tao na alam ko that they love me, mga fans ko. And actually, comfortable sila to say kapag may hindi sila nagugustuhan sa projects ko or sa relationship ko. I know they love me and they say it in their most loving ways. And I understand it,” sabi ng dalaga

“Kasi, hindi naman ako perpekto. Marami rin akong pagkakamali. Meron din akong mga bagay na hindi ako magaling and okay lang iyon,” dagdag niya. “With bashing, ayaw mo naman kasi na maka-apekto yun sa energy mo. I always try protecting my energy.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *