Radio block-timer binugbog

Tadtad ng mga pasa at bukol sa ulo gayundin sa ibang bahagi ng kanyang katawan ang isang lalaking radio block-timer matapos na kuyugin ng apat n akalalakihan sa La Paz, Iloilo, nitong Biyernes.

Sa ulat ng La Paz Police Station, ay hapon nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Luna Street, La Paz, Iloilo City nitong Oktubre 7, 2022.

Paalis na sana at pasakay ng motorsiklo ang biktimang Flo Hervias sa labas ng RMN Radio -Iloilo, matapos nag kanilang programang “Banwa Binag-binaga”, kung saan ay co-host niya si Roy Cejar, nang bigla na lamang siyang atakihin ng apat na hindj pa nakikilalang lalaki saka pagtulungang gulpihin.

Ang mga suspek ay nakasuot umano ng hoodie at face mask kaya’t hindi namukhaan ng biktima maging ng ibang nakakita.

Mabilis namang nakaresponde ang Disaster Risk Reduction and Management Office – Iloilo City at binigyan ng paunang lunas ang biktim abago isinugod sa pinaka malapit na pagamutan.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa kung anong motibo ng pang-aatake sa biktima.

Matatandaang, bago ito ay mainit na usapin ang naganap na pagpatay sa komentarista na si Percy Lapid nang pagbabarilin ito habang patungo sa kabilang radio station.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *