Ria Atayde, binati si Joshua Garcia

Nagpaabot ng pagbati ang aktres na si Ria Atayde sa aktor na si Joshua Garcia para sa kaarawan ng binata at sa kanyang social media post, ipinakita ng dalaga ang kanilang mga larawan na magkasama sila.

Sa caption ng dalaga nakasaad ang kanyang birthday greeting para sa aktor.

“I’ve shared some of the most wonderful memories, and most of them we shouldn’t talk about out loud hahaha!” sabi ni Ria.

Dagdag pa niya, talagang nagpapasalamat siya na naging kaibigan niya si Joshua.

“Thank you for being a true friend, a great adventure buddy and a no-questions-asked. Love you Choshuwa!” sabi ng dalaga. “Happy happy birthday, my former rumored boyfriend.”

Umulan naman ng pagbati para sa aktor ang Instagram post ni Ria.

“Happy birthday Joshua. You are such a true gentleman. God bless you more,” comment ng netizen.

Sey naman ng isa, ” Mas bagay kayo ni Ria. Happy birthday, Joshua!”

“Happy birthday Joshua! Ang pogi mo at sobrang galing mong aktor. You deserve a happy day today. Enjoy and God bless you more! Sana makita kita in person,” sey naman ng isa.

Matatandaang may mga umugong na balita patungkol sa diumano’y “something” sa pagitan nina Ria at Joshua.

Amin ng dalawa, pinagtatawanan na lang nila ang mga balita patungkol sa kanilang “secret relationship” kapag naririnig nila ito.

“We laughed about it. It’s actually like something, ‘Uy rumored boyfriend halika rito.’ Like, I mean, we are friends,” saad ni Ria sa panayam niya noon sa “Pop Cinema”.

Talagang malapit lang sila sa isa’t isa na nagsimula nang makatrabaho ng aktor ang ina niyang si Sylvia Sanchez noong 2016 sa teleseryeng “The Greatest Love”.

Bukod pa rito, inamin rin ni Ria na wala talagang chance na magkaroon sila ng “something” ni Joshua.

“Josh is an attractive guy, he’s just really younger and for me it’s such a alam niyo, ‘yon? I’m 30 and Josh is what turning 25 pa lang,” sey niya sa isang interview 3 months ago para sa “Miss Piggy”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *