Bella Racelis, nabihag na nga ba si Joshua?

Nitong nakaraan ay nag-celebrate ang aktor na si Joshua Garcia ng kanyang kaarawan at maraming mga celebrities ang bumati sa kanya, kabilang na ang kanyang rumored girlfriend na si Bella Racelis.

Nag-post kasi YouTube vlogger at social media influencer na si Bella Racelis ng kanyang birthday greeting para sa actor.

Ibinahagi ng dalaga sa kanyang Instagram stories ang dalawang larawan ni Joshua at isang short video na may hawak na maliit na white card.

Sa unang larawang ibinahagi ni Bella ay makikita ang binata na nakangiti habang may hawak ng kamera, ang sumunod ay ang short video nito, at ang huli ay ang candid photo kung saan kitang kita ang ngiti sa labi ng aktor.

“Happy Birthday, @garciajoshuae [fish emoji],” maikling pagbati ng dalaga.

Ilang buwan na rin ang nakalilipas buhat nang lumabas ang chika patungkol sa relasyon nina Bella at Joshua.

Unang umugong ang balitang may “something” sa pagitan nilang dalawa matapos silang maispatan na magkasama sa isang party sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Dito na nga naging mas mapagmatiyag ang mga marites sa galaw ng dalawa at napansin nga ng mga ito ang madalas na pag-like at pag-comment nina Bella at Joshua sa mga social media posts ng isa’t isa.

Mas lalo ngang tumindi ang hinala ng mga netizens matapos i-flex ng aktor ang dalaga sa kanyang isa pang Instagram account.

At kamakailan nga lang nang kumalat ang larawan nina Joshua at Bella na magka-holding hands habang naglalakad sa isang mall.

Sa ngayon ay nananatiling tahimik ang dalawa ukol sa estado ng kanilang relasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *