Franki Russell, may pinapahalagahan

Pansin na ng ilang mga netizens na mayroong something sa aktres na si Franki Russell at aktor na si Diego Loyzaga dahil na rin sa ilang mga pahaging na mga posts sa social media nitong mga nakaraan.

May this year nang ibinahagi ng sexy actress ang kanilang sweet photos sa Instagram bilang pagbati sa kaarawan ng aktor na agad niyang dinelete matapos ungkatin ng mga Marites sa social media.

At noong makapanayam nga ni Rico Robles sa kanyang radio show si Diego noong June 2022 ay inamin nitong nagdi-date sila ni Franki, pero makalipas ang ilang linggo ay napabalita naman ang pag-unfollow ng dalawa sa isa’t isa.

At sa muling pagkikita nina Franki at Diego para sa mediacon ng kanilang Vivamax movie na “Pabuya” ay muling naungkat ang relasyon nilang dalawa at pag-amin ng aktres, mahalaga sa kanya si Diego.

“The value of Diego to me, he has a big spot in my heart, sa puso ko. He’s someone na I trust, his mga advice,” sabi ng dalaga at dagdag niya, dahil rin daw sa matagal na ito sa showbiz industry ay talagang may tiwala siya rito at pinaniniwalaan niya lahat ng mga advice na ibinibigay nito sa kanya.

“[His] advice is genuine and I feel that he cares about me the way I care about him. And I’m very lucky that he’s my first leading man in my first movie sa Viva. So, very grateful for you Diego,” pagpapatuloy pa ni Franki.

Samantala, kahit na mukhang hindi na nag-level up ang kanilang relasyon ay nananatili naman ang pagsuporta nina Franki at Diego sa isa’t isa.

“We are just two people living life, working in this industry, and working hard on ourselves. And, I care about you Diego. Mahal mo ba ako? Hahaha! Miss na kita, e.”

Ito ay mula sa isa sa mga linya ni Franki sa pelikula nila ni Diego na sinabi niya nang magkita sila ng binata makalipas ang anim na taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *