Ivana Alawi, vindicated

Mukhang vindicated na ang sexy actress at vlogger na si Ivana Alawi matapos siyang patutsadahan ng social media influencer na si Xian Gaza nang mag-rant ang dalaga sa pagkakawala ng kanyang mga verified Facebook accounts.

Nitong nakaraan kasi, umamin si Xian na nagkamali siya sa kanyang mga paratang laban sa Kapamilya actress na si Ivana Alawi.

Sa kanyang Facebook account ay ibinahagi niya na nakausap ang social media personality na si Zeinab Harake at ipinaliwanag sa kanya ang sitwasyon.

“Nag-message si Zeinab, legit daw na dinelete yung Facebook page nila and under investigation daw sila ng Facebook ngayon,” saad ni Xian at dagdag niya, binabawi na raw niya ang kanyang mga sinabi laban sa Kapamilya actress.

“Binabawi ko na lahat ng sinabi ko against Ivana because true love is understanding. Sorry Zeinab if I hurted your peelings,” saad ni Xian.

Naging kaibigan ni Zeinab si Xian matapos silang magkita sa Singapore kung saan nag-bonding at nagwalwalan ang dalawa hanggang umaga.

Matatandaang base sa unang post ni Xian na hindi siya naniniwalang bigla na lang nawala ang Facebook page ni Ivana na milyon na ang followers.

“Hindi naman sa may galit ako kay Ivana Alawi pero duda ko inunpublished niya yung kanyang page para makaiwas sa audit ng BIR tapos nag-e-emote at nagda-drama lang siya ngayon sa socmed para kunyare na-disable yung FB page niya. Feel ko lang,” saad niya.

Chika pa niya sa nauna niyang post ay naiintindihan naman daw niya ang Kapamilya actress ngunit ang ayaw lang niya ay ang pagdadrama at parang ginagawang tanga ang mga tao.

“Facebook won’t delete verified pages with blue badge unless paulit-ulit kang nagka-copyright violation,” dagdag pa ni Xian.

Sa ngayon ay burado na ang mahabang tsaa ng social media influencer.

Naibalik na ring muli ang Facebook page ni Ivana Alawi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *