Janelle Tee, may diskarte

Inihayag ng sexy actress at beauty queen na si Janelle Tee na naiintindihan niya ang lahat ng mga sex workers na patuloy na lumalaban sa mga hamon ng buhay matapos niyang gawin ang latest offering ng Vivamax na mini-series na “AN/NA” na malapit nang magtapos.

Si Janelle ang bida sa serye at may dalawa pa itong episodes na mapapanood ngayong araw, October 8 at sa susunod pang Linggo.

Sa kuwento, gumaganap na call center agent si Janelle na nagngangalang Anna at dahil sa hirap ng buhay ay napilitan siyang pasukin ang high class prostitution gamit ang ibang pangalan, si Mei Ling.

Ayon sa dalaga, talagang nakaka-relate siya sa kanyang karakter.

“I can relate with Anna kasi I’m really the breadwinner in our family. Kaya nga naging Viva raketera ako hosting events, joining pageants, and now acting. But I will never resort to selling my body. I believe God really provides kasi kahit gipit ka sa pera, malalampasan mo, tamang diskarte lang ang kailangan,” sabi ni Janelle.

“Maging maparaan ka para masolusyunan mo ang iyong money problems. Ako, I even resorted to selling dresses,” dagdag pa niya.

Sabi pa ng dalaga, umaasa siya na mas marami pa ang makakaintindi sa buhay ng mga sex workers kapag napanood nila ang “AN/NA.”

“We really should not judge them easily kasi we don’t know what ourselves will do if put in their shoes, in the same kind of situation. So let’s show them more compassion. Si Anna rito, maaawa ka kasi araw-araw, iba-iba ang ka-sex niya. Some of them, ni hindi niya kilala. Then something tragic happens to her, something that she does not really deserve,” sabi ng dalaga.

Samantala, nagbigay naman ng ilang detalye ang direktor ng nasabing Vivamax original series na si Direk Joey Reyes sa mga dapat abangan ng viewers sa final two weeks.

Kasama rin ni Janelle sa “AN/NA” sina Rob Guinto bilang best friend ni Anna at Migz Almendras bilang lover ni Anna na siyang nagpasok sa kanya sa mundo ng prostitusyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *