Kamoteng kahoy: 1 patay, 48 kritikal

Isang lalaki ang patay habang 48 na iba pa ang patuloy na nagpapagaling matapos umanong malason sa kinain nilang kamoteng kahoy sa Magarao, Camarines Sur, nitong Linggo.

Kinilala ang nasawi na si Gilbert Cortezano, 35, residente sa Bgy. Carangcang, Magarao, Camarines Sur.

Patuloy namang nilalapatan ngayon ng lunas sa pinagsuguranh pagamutan ang iba pa matapos makaranas ng matinding pagsusuka at pagtatae.

Napagalaman mula kay Punong Barangay Nenita Aspe, birthday party ng kapatid ni Cortezano at kabilang sa handa nito ay ang nilupak na kamoteng kahoy.

Karamihan sa mga dumalo ay kumain ng kamoteng kahoy at naparami ang kain ni Cortezano dahil sa paborito niya ito.

Makalipas ang ilang oras magkakasunod na dumaing ng pananakit ng tiyan, pagsusuka at pagkahilo ang mga biktima habang nilagnat pa si Cortezano.

Mabilis din naman na isinugod sa Bicol Medical Center si Cortezano subalit kalaunan ay nalagutan rin ng hininga.

Nagbigay paalala naman ang Magarao Municipal Health Office sa publiko na ang pagluluto ng kamoteng kahoy o cassava ay hindi basta-basta, dapat umano au maayos ang pagkakabalat nito at linisin maigi upang hindi agad mapanis o masira.

Ayon naman ng nagluto ng kamoteng kahoy na pinakuluan niya ng mabuti ang mga kamoteng-kahoy, para maalis ang nakalalasong kemikal na ‘cyanide’, na karaniwang matatagpuan sa mga parehong root crops.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *