Marilao mayor patay sa aksidente

Patay ang alkalde ng Marilao, Bulacan na si Mayor Ricardo Silvestre matapos na maaksidente ang sinasakyang biyang Sports Utility Vehicle (SUV) sa Mabalacat, Pampanga, Linggo ng gabi.

Lumalabas na imbestigasyon ng mga awtoridad na dakong alas-6:00 ng gabi nang maganap ang insidente habang binabaybay ng grupo ni Silvestre ang bahagi ng Prince Balagtas Avenue, Clark Free Port Zone.

Sa hindi pa nalalamang dahilan ay bigla na lamang umanong kumabig pakaliwa ang sasakyang at sumalpok sa isang poste ng kuryente.

Sa lakas ng pagkakasalpok, ay nabunot pa ang poste mula sa pundasyon nito habang total wreck naman ang unahang bahagi ng SUV.

Napagalamang nakausap pa umano ng mga first responder si Mayor Silvestre at mga kasama nito bago dalhin sa pagamutan.

Ngunit sa tindi ng mga tinamong pinasala ay masawi rin ang alkalde makalipas ng ilang oras.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Bulacan Gov. Daniel Fernando sa kanyang Facebook page at pinasalamatan ang alkalde sa pagkakaibigan, inspirasyon sa pamumuno at mga tao sa serbisyo sa Marilao.

Kilala sa pagiging mahusay, masipag at mabuting loob si Mayor SIlvestre na nanungkulan nang 11 taon bilang ABC President si Silvestre, naging punong barangay hanggang sa maging punong bayan noong 2019 at muling manalo nito 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *