SG sa pawnshop patay sa pananambang ng kawatan, P3M natangay

Isang security guard ang patay matapos tambangan at walang habas na pagbabarilin ng apat na mga lalaking tumangay pa ng nasa P3M na dala ng biktima sa Maramag, Bukidnon nitong Miyerkoles.

Sa ulat ng Maramag Police Station, ay kinilala ang biktimang si Pedro Talaid Gamino Jr., 38, security guard sa Cebuana Lhuillier Branch Purok 3, North Poblacion.

Ligtas naman ang kasama nitong si liaison officer na si Medardo Langot Fantonial Jr., 31 ng P-3 Capitan Juan, Lantapan.

Alas-10:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa Purok 1, Brgy. Kuya, sakay umano noon ng Suzuki Raider MC 150 color black and red, na minamaneho ni Fantonial habang angkas si Gamino.

Papunta sanang Pangantucan Bukidnon para mag-deposito ng bitbit na P3,000,000.00 sa Kalilangan Branch ang dalawa, nguit pagdating sa lugar, ay bigla na lamang silang hinarang ng apat na suspek na lulan naman ng black Yamaha Mio at red Honda XRM.

Doon ay bigla silang pinaulanan ng bala ng mga suspek kung saan ay napuruhan si Gamino, doon at agad na tinangay ng nga suspek ang backpack na naglalaman ng nasabing halaga ng pera saka mabilis na nagsitakas.

Agad ding isinugod sa ospital si Gamino ngunit hindi na rin ito umabot pa ng buhay, sa ngayon ay patuloy pa rin pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa nasabing insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *