Chynna Ortaleza, insecure dati

Inamin ng aktres na si Chynna Ortaleza na talagang grabe ang insecurity n’ya before sa kanyang hitsura at katawan at halos apat na dekada raw ang inabot bago n’ya na-overcome ito.

Sa kanyang IG, ibinahagi ng celebrity mom ang kanyang saloobin kalakip ang isang larawan.

“Kuha ng asawa ko na bilib na bilib na sexy ako,” sabi ni Chynna sa larawan na kinunan ng mister n’yang si Kean Cipriano noong nagbakasyon sila Boracay.

Naka-black two-piece bikini ang Kapuso actress sa litrato kaya naman litaw na litaw ang kanyang kaseksihan.

“At dahil sa body positivity na yan I have stopped padding my chest & have been on a journey of accepting the skin I am in without needing to please anyone else but myself,” sabi ni Chynna.

Dagdag pa niya, inabot daw siya nang halos apat na dekada bago na-overcome ang insecurity sa kanyang katawan pero masaya siya na naglagpasan na niya ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *