Sunshine Cruz, rumesbak sa basher

Rumesbak nang bongga ang aktres na si Sunshine Cruz sa mga bashers sa social media nitong nakaraan matapos batikusin ng mga ito ang mga dance challenge videos na ginagawa niya at ipino-post sa kanyang socmed accounts.

Hirit ng mga bashers, dapat daw ay hindi na nakikiuso ang aktres sa mga challenges na ito dahil sa kanyang edad lalo na ang mga pa-sexy dance challenge at ayon sa isa pang basher, hindi raw magandang tingnan para sa isang nanay na may tatlo nang dalagang anak ang kanyang ginagawa.

May isa namang tumawag sa kanya ng “trying hard” at tigilan na ang pagpo-post ng mga dance challenge sa kanyang socmed account. Bigyan naman daw niya ng kahihiyan ang tatlong babaeng anak nila ni Cesar Montano.

Buwelta naman ni Sunshine, wala sa edad ang paggawa ng mga bagay na magpapasaya sa kanya lalo pa’t wala naman siyang inaagrabyado o inaapakang tao.

“Being a parent/mom/dad shouldn’t be a hindrance to not have fun, sing or dance. Feel free to unfollow if you are uncomfortable with my posts,” sabi ni Sunshine. “Nope i wont stop. Fun knows no age limit everyone.”

Dagdag pa ng single mom, “My children encourages me to have fun, dance, sing and live my life to the fullest. I am proud of them and I know they are proud of me too.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *