Maymay Entrata, kabogera!

Certified kabogera pala ang aktres at singer na si Maymay Entrata ngayon nominated siya sa MTV Europe Music Awards bilang “Best Asia Act” ngayong taon.

Talaga namang isang milestone ito para sa dalaga dahil pang-international na ang kanyang talent at inilahad niya ito sa kanyang IG kung saan ipinost niya ang poster na nanggaling sa MTV EMA at lubos na nagpapasalamat sa pagkilala ng kanyang kanta.

“A huge thank you po to @mtvema for recognizing my song and giving me the privilege to be with the other amazing artists, nominated in this category!” sabi ni Maymay sa caption.

Hindi rin niya pinalagpas na pasalamatan siyempre ang kanyang fans.

“At sa mahal kong kabogeras, di tayo aabot dito kundi dahil po sainyo, maraming salamat po,” saad ng dalaga.

Nag-post rin ang MTV Asia sa Twitter at ipinakita ang iba pang nominado sa nasabing kategorya.

Kalaban ni Maymay sa “Best Asia Act” ang Indonesian singer-songwriter na si NIKI, J-pop group na “The Rampage from Exile Tribe”, Thai singer na si “SILVY,” at South Korean boy group na “Tomorrow x Together.”

Paramihan ng online votes para manalo sa nasabing kategorya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *