Ria Atayde, may BF na nga ba?

No less than veteran actress Sylvia Sanchez ang nagbuko sa lovelife ng anak niyang si Ria Atayde na may namumuo umanong something with actor Zanjoe Marudo.

Ayon kay Sylvia, dating ang status ng dalawa at hindi niya masabi kung ano talaga ang relasyon ng dalawa.

“Pero nagliligawan, parang nagpaparamdaman e, ganun. Hindi ko masabi na oo talaga, kasi wala pang pag-amin e. Wala pa talaga,” sabi ng beteranang aktres.

“Sabi sa akin ni Ria dating, pero hindi pa sila,” pag-amin ni Sylvia.

Kaya nga raw natatawa siya sa iba pang mga chikang lumalabas ukol kina Ria at Zanjoe gata ng tsismis na kesyo buntis raw ito o di naman kaya’y kasal na.

“Natatawa ako ‘dun sa mga lumalabas na buntis, nagpakasal. Hello ako muna ang unang akakaalam ano? Ako po nanay,” saad ni Sylvia.

Matatandaang may mga naunang kumalat na chika na nagkakamabutihan na nga sina Ria at Zanjoe.

Una itong naging usap-usapan nang makita ang dalawa na magkasama sa isang restaurant sa New York noong August.

Maski nga sa naging birthday celebration ng dating rumored boyfriend ni Ria na si Joshua Garcia ay makikitang magkasama ang dalawa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *