Maxene Magalona, single na uli?

Umuugong ngayon ang balitang hiwalay na si Maxene Magalona sa kanyang asawang si Rob Mananquil at mistulang kinumpirma na rin ito ng aktres sa kanyang social media post.

Nitong nakaraan kasi ay nagpost ang aktres sa kanyang IG ng larawan kung saan makikitang mag-isa siyang kumakain sa isang samgyeopsal restaurant.

“No date? No problem! Perks of being single and childless: You have full control of your schedule. You can literally do anything you want on any day at whatever time (emoji shrugging). I watch movies in the cinemas alone, take myself out on dates and go on long solo drives especially when my vibration is low. One time, I even felt the sudden urge to buy crystals for extra protection and I was able to do it easily because I have no one else to think of but myself (emoji praying hands). Life is all about perspective. Do you see your glass half empty or half full? I see mine overflowing,” saad ni Maxene sa caption.

“Soul-o date night with my trusty iPhone timer at my favorite Korean restaurant @jinjookorean. They currently have an ongoing promo until October 30—unlimited enoki for
1 only. Enjoy.”

Paid-ad kaya ang post na ito ni Maxene dahil binanggit niya ang name ng restaurant at may promo ito? Pero ang nakakagulat ay ang pag-amin niyang single siya.

Anyway, hinalungkat namin ang petsa kung kailan namin isinulat sa pamamagitan ng blind item, January 10, 2021 pa pala ito.

Inakala nga namin na sa pagpunta nila noon sa ibang bansa para sa healing process nila ay magiging okay na sila pagbalik nila ng Pilipinas pero hindi na raw nangyari dahil nagkahiwalay na.

At nagsimula na rin ang mga cryptic post niya noon hanggang ngayon na mapapansin ding hindi na niya kasama ang asawa sa mga pino-post niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *