Aya Fernandez, Army reservist

Ganap nang Philippine Army reservist ang celebrity na si Aya Fernandez at sa kanyang social media post, ibinahagi ng aktres at beauty queen ang balitang matagumpay niyang natapos ang training.

“After 45 days of training, I’m now part of the Philippine Army Reserve Force. Private Fernandez at your service,” sabi ni Aya sa social media.

Kasama sa mga larawan ang mga kuha noong kanilang graduation at habang nasa gitna sila ng pagsasanay.

Ayon pa sa A Family Affair co-actress, noon pa man ay hilig na n’ya ang pagsabak sa mga maaaksyong labanan. Magagamit n’ya umano ang kanyang natutunan sakaling kailanganin n’yang ipagtanggol ang bansa.

“Combat and war fighting have always been an interest, and now I can use those skills if in case the situation would call for it to fight for my country,” sabi ng dalaga.

“Since I’m also a licensed scuba diver, I can be called to rescue for Marine ops,” saad pa ni Aya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *