Yassi Pressman, nagbalik-tanaw

Muling binalikan ng aktres na si Yassi Pressman ang mga panahon na naapektuhan ang kanyang mental health nang pumanaw ang kanyang ama at ayon sa dalaga, grabe ang naging epekto sa buhay at sa buong pagkatao niya ng pagkamatay ng kanyang tatay noong 2020.

“I always thought that I was a strong woman before. That was the moment talaga na na-rattle ako na hindi pala ako ganu’n ka-strong,” saad ni Yassi sa isang panayam.

“Hindi ko pala kaya, kasi I guess you always have to tell yourself keep going, keep pushing and I was pushing for him, my rock, my best friend. Pero nu’ng nawala siya parang I didn’t know who I was, how I would move forward, kung paano ko matutuloy ‘yung ginagawa ko before for the family kasi he was my purpose,” sabi pa niya.

At dahil matindi nga ang naging epekto ng pagkawala ng ama, naapektuhan din nito ang kanyang physical health.

“It got to the point where I was feeling I was having a stroke na because of the stress and tension from within. It started in my stomach and then nagka-cramps po ‘yung legs ko. And then pati ‘yung thighs ko and then parang papunta na siya sa chest and fingers. Hindi ko magalaw fingers ko. Halos manigas talaga like my half face,” kuwento ni Yassi.

Kasunod nito, talagang gumawa na siya ng paraan para matulungan ang sarili sa iniindang mental health issues.

“I just had to know kung ano ‘yung nangyayari sa akin, not to panic more kasi the more you panic lalo pa ‘yung lumalala. Sometimes with mental health, the enemy, the struggle is yourself. Now po once I feel it is starting, I wake up my legs, you start getting the blood flowing. That’s why it is all connected, the physical health and the mental health. And I would start walking and breathing deeply para maregulate po ‘yung katawan din kasi it is connected also with my mind,” sabi pa ng dalaga.

“My dad was the one who was really there the whole time kaya po ‘yung parang losing him was kind of hard. Nandu’n po kasi siya ever since even in our like roughest times. Never kong naramdaman na may kulang po kahit anong mangyari,” dagdag pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *